Wednesday, July 14, 2010

Kulangot. :)



Madiin kung sila'y kumapit,
sa butas ng ilong mong maliit.
Maberde kung iyo'y masdan,
binibilog mong marahang-marahan.

Sundot dito, sundot doon,
pagtapos ay bibilutin ngayon.
''YUCK'' isisigaw nila,
pagnakita nilang nangungulangot ka.

Di mo ba alam na kulangot ay mahalaga?
pumipigil ito sa duming pumupunta,
ss ilong kaya ito'y nagbabara,
at ikaw nama'y maiirita.

Kulangot minsan ay nakakadiri,
kukunin mo gamit ang daliri.
Kulangot na nabuo dahil sa sipon,
at sa huli iyo rin palang itatapon.

Tuesday, July 13, 2010

Isang Araw na pagmamasid sa Lungsod ng Muntinlupa.

Pasakay na ko ng jeep. Pagkakita ko sa kalsada, isang Jackhammer.''toog, toog.. togg'' tunog nito. Bakit kaya niya binibiyak ang daan? E nakita ko may nakapaskil: MAYNILAD. hanep, malakas na tubeg neto. Di na kailangang mag igib. Sumakay na ko sa Jeep papuntang Susana. May bibilhin kasi ako sa Festi eh. habang nasa Jeep, may sumakay na bata. Batang lalake, walang damit pantaas, shorts lang. Sabay nakayapak. Eh ano yung mga dala niya? Lata. Sobre. Tumambol na at tumugtog sya. Pagtapos, binigay niya ang sobre sa amin. Lagyan daw ng pera kahit barya lang. Wala man lang nagbigay. kaya binigyan ko. Dos. Atlis meron. Bumaba na ko sa Festival. Pagtapak na pagtapak ko palang, nakakita na agad ako ng jejemons. hanep naman sa porma e no? Pagpasok ko sa mall, iba ibang itsura. May mukhang mayaman. Mukhang mahirap. Makakakita ka ng pamilya. Syempre, di mawawala ang mag- Couple. Holding hands pa. PDA daw? Kabataan naman. Masyadong mapusok. Papunta akong Artwork. Ganda kasi ng mga designs dun. Mura pa. May nahanap ako, PLain white tshirt tas Printed na mukha ni MOJOJOJO. Yung sa Power Puff Girls. PInili ko. Large sabe ko. Sinukat ko sa Fitting Room. Ano Use ng Camera kung hindi gagamitin? Todo picture na naman ako sa Fitting Room. Pinoy talaga, kailangan ba lage sa Fitting room magpapicture? Mirror Shot pa. Bayad na sa Counter. Hala, kumulo na tyan ko. Gutom na ko. Makakaen nalang sa MCDO. Favorite ng pinoy, Affordable daw kasi e. lalo na yung MCSAVERS. Inorder ko yung Float, Rice with Chicken Fillet. Busog na ko pagtapos. Tinamad na ko mag ikot kaya binalak ko umuwi nalang. GInabe na pala ako. Sakay na ko ng Pacita. Nilabas ko Cellphone ko para magtext. Pero may pumigil. Isang matanda. ''To, wag ka maglabas ng Cellphone dito sa Alabang. Baka ika'y madukutan''. Salamat naman sa paalala niya. Pauwi na ko. Pedicab. Bahay. Tulog. Narealize ko, araw-araw, iba't ibang tao ma-eencounter natin. Ibang mukha, paniniwala, at ugali.

Friday, July 2, 2010

Bakit may ipis?



Bakit sa bawat imburnal ay may ipis?
pag lumipad, siguradong maiinis.
Dumadapo sa mga pagkaing panis,
twing manganganak araw-araw ay labis.

Ang aking ama na pagkatangkad-tangkad,
kung matakot sa ipis ay sagad-sagad.
Sa bahay, kapag ang ipis ay lumipad,
ang aking tatay ay tumatakbo agad.

Oh, ipis! Ipis! bakit ka nandirito?
lagi kayong umiistamabay sa banyo.
Habang dumudumi di na makatayo,
mga ipis sa pader makikita mo.

Ilang beses man sila'y iyong patayin,
dumadami parin kahit anong gawin.
Tumingin ka sa paligid at pansinin,
Ipis na di mawawala sa paningin.

Thursday, June 24, 2010

Kung ako si Dumay..

Kung ako si dumay?

Ayon sa tekstong binasa namen ''ang handog ni Dagwaley'', si Dagwaley at dumay ay magkasintahan. Pero sa kanilang tribo, dapat munang mag-alay ng ulo sa tribo ng pakakasalan ni Dagwaley. nang mag-aral si Dagwaley sa lungsod, naging Liberated sya at naimpluwensyahan ng makabagong paniniwala. Gaya nito ay ang paniniwalang Immoral na ang pamumugot ng ulo ng tao. Eh papaano kung eto lamang ang tanging paraan upang mapakasalan ang taong mahal mo? Ipaglalaban mo padin kahit Immoral?

Kung ako si Dumay at nais kong pakasalan si Dagwaley, ipaglalaban ko kung anong pagmamahalan meron kami. ngunit kung alam kong wala nang magagawa ang paglaban ko, bakit ko pa itututloy? Lalo na kung magulang at buong tribo na ang hadlang. Hindi ko na siguro pa mababago ang nakagisnan kong paniniwala at Tradisyon. Kaya nga diba may kasabihan tayo na ang magulang parin ang mas nakakaalam ng nakabubuti para sa anak.

Sunday, June 20, 2010

''DADA''

Dahil sayo ako'y naririto,
sa payapa at masayang mundong kinatatayuan ko.
Mahal kita, mahal ka ni mama,
dahil ikaw si ''ama''

Salamat sa lhat ng payo mo,
natututo akong maging maayos dahil dito.
Pasensya sa lahat ng aking pagkakamali,
at hindi na kita napapangiti.

Padre de Pamilya kung sya'y bansagan,
At iaahon kami sa kahirapan.
Salamat sa lahat ng paghihirap, Papa
na ginagawa mo upang kami'y sumaya.

Kahit ako'y laging Pinagsasabihan,
dahil sa aking mga Kamalian..
Pa, lagi mong pakatatandaan,
Mahal na mahal ka namin magpakailan pa man. Ü

Thursday, June 17, 2010

Transferred to St. Dominic. :((

St. Stephen ako! Dati. :(( Nilipat kme ni Eve Rose Villacentino sa kabilang Section, ST. DOMINIC. Kaya naiba na naman yung Groupings dito e. ''Sayang!'' oo. Super Sayang. Masaya na sana ako sa St. Stephen. Naiba yung Ambiance ko. :( Hndi ko naman sinasabeng Hate ko yung bagong Section ko, pero.. nasanay na ko sa dati. OA ako! alam ko. bakit? Kasi Two days plng ako sa dating Section. pero grabe ko sila NAMISS. :(( Iba na makakasama ko sa Blog na to. Ü

Wednesday, June 16, 2010

Araw ng Paggawa. :P


061510
This is the day i made this Blog. Nag-enjoy ako kaagad dito. Hndi ko alam kung bakit? Pero alam ko na masisiyahan ako, ksama ang mga kagrupo ko na gumawa at Mag Post ng kanya- kanyang pahayag, tula at kwento. Proyekto ito ng SNSM, School namen. =)) Filipino IV.
Posted By: JAKI ♥